Bukod sa mga Local Bands - siya lamang yung dahilan kung bakit nakikinig padin ako sa OPM…

#YengConstantino #Idol

Metalheads: MACKY-baka’s EP

Bukod sa parati ko siyang kasama, kilala kong babaero, basagulero, nam-bubully at pareho kami ng tugtugan- MARAMI PA PALA AKONG HINDI NALALAMAN TUNGKOL SA KANYA.

Totoong- hindi natin pwedeng husgahan ang isang tao dahil lang parati natin siyang nakakasama. O hindi din natin pwedeng kagalitan ito dahil masama na yung role niya sa iba.

Pagkatapos ng mahabang tambay at kwentuhan namin sa Physics Lab nung isang araw, nagkayayaan kaming bumili ng pagkain sa Convenience Store. Ako, si Ash, at si Mac. Masaya yung kwentuhan namin habang pabalik na sa Study Hub. Maya-maya, napa-smirk na lang siya ng mabasa niya yung message sa cellphone niya.

“SINO DAW KASAMA KO?” –si Mac

Gets ko na yun. Sa tagal na din naming magkaklase, madami na din siyang naikwento sa akin tungkol sa mga babae niya sa school.

“HINDI NA KAMI NUN!” –Mac

“O- BAKIT GANUN NA LANG KUNG MAKAPAGTANONG KUNG SINO YUNG KASAMA MO?” –Ako

“AY—-” –tumigil sa pagsasalita si Mac at merong finorm sa mga daliri niya

Gets ko na ulit yun. Three letters na madalas itanong ng mga kaklase ko sa kanya. PRO na siya sa ganung bagay. Yung ibang form na word ko sa kanya – WASAK na siya. Pero dedepensa siyang babae lang daw ang nawawasak- na kesyo hindi naman daw problema sa kanilang mga lalaki kung nakailang round na sila pero samin daw na babae- big deal yun.

Maya maya- dumami na naman members ng umpukan namin sa Food Court. ACTIVE TALAGA ANG KLASE TUWING SEX ANG TOPIC :D

Hanggang sa hindi na lang sa Sex ang usapan namin. Dumaan sa sign na hindi na virgin ang isang babae, sa tagal ng isang relasyon at BOOM- ang PAG-IBIG <3

Sinong mag-aakalang ang isang metalheads na katulad ni Mac ay meron ding hinihintay na Childhood Sweetheart. Hindi lang basta niya hinihintay- minamahal pa din niya hanggang ngayon.

“HINDI AY- HINDI NIYO KO NAIINTINDIHAN. GAGO AKO PERO-”

“PERO- HAY NAKU, BAKIT BAGA KAILANGAN PANG MANLIGAW NG ISANG LALAKI KUNG HINDI NAMAN TALAGA NIYA MAHAL ANG ISANG BABAE.” –Ako

“MANDIN PA AA, NANG NAIIWASAN BAGA NA NASASAKTAN.” –Ehms

Eh si Macoy lang yung lalaki sa usapan namin noon. Pero kahit na- siya lang yung lalaki dun, hindi siya nagpapatalo. Tss, dun ka hahanga sa kanya. 21 years old na siya pero hindi yun kahit kailan naging disadvantage sa kanya. KUYA na namin siya at talaga namang pinapatunayan niyang hinubog siya ng mga taon na naging out of school youth siya. PRO talaga ang Gago.

DAIG TALAGA NG MAYABANG ANG GWAPO

Kung sa babae naman- DAIG NG MALANDI ANG MAGANDA

Agree???

“ALAM NIYO- MAKUHA KO LANG SIYA. MAGUSTUHAN NA DIN NIYA AKO- PANGAKO, SIYA LANG YUNG MAMAHALIN KO.”

“O YUN NAMAN PALA AY- BAKIT HINDI MO SIYA PAG-UKULAN NG PANSIN MO?” –Ash

“AAAAHHH- LAHAT GINAWA KO NA. ALAM NIYO BAGA NAG-COSPLAY AKO PARA SA KANIYA.”

Hindi ako makapagsalita sa pagkakataong yun. Akala mo lang matigas o barumbado ang katulad niya. Tipong wala siyang sineseryoso. Hindi ko na din mabilang at matandaan yung mga tinuturo niya samin na mga babae niya sa school.

Yun si Mac.

Maaring hindi nga siya gusto nung Childhood Sweetheart niya talaga pero sana dumating na din yung babaeng makakapag-pabago sa kanya. Sana makahanap na siya ng katapat niya…

Tingnan niyo nga- nanti-trip na naman siya ng mga kaklase namin. Kung sino pa talaga yung pinakamatanda siya pang nangunguna sa pagpapasaway. Tss.

PS: Sana- kapag nakasalabong kayo ng isang Metalheads o Punk o Emo o KPop sa daan, WAG NIYO NAMAN SANANG HUSGAHAN KAAGAD. Kailangan nila ang pagtanggap ng society. Kung ano man yung napansin niyong kakaiba sa pananamit at pagkilos- PLEASE naman. RESPETO na lang |m|

1 note